Tuesday, January 12, 2010

Babaeng sapatos


Ano ba talaga ang dahilan bakit nakikipag boyfriend o girlfriend ang tao? Kung magtatanong ka sa ordinaryong teen age partner, o sa mga matatawag nating mga taong nasa "marrying age" na kung sila ba ay magpapakasal na, baka ni sa gunita nila di pa nila naisip yun. Bakit nga ba kung gayon ay nagkakaroon ng boyfriend o girlfriend relationship?

Sabi ng iba "syempre kailangan yang boyfriend o girlfriend relationship, dahil dapat makiklala mo muna siya bago kayo magpakasal. Parang tulad ng sapatos, kailangang isukat mo muna bago mo bilhin." Ang lalaki ang nagsusukat, ang babae naman ang sapatos. Ang problema, naisukat mo na at lahat, napudpud na ng kung ilang buwan mong gamit ang sapatos at saka mo ibabalik sa sales person at sasabihing "ayoko nito palitan mo. Hindi kasya, maluwag. Hindi ko gusto ang hulma sa aking paa."

Nakakalungkot lang isipin na minsan, o madalas, nagiging sapatos ang mga kababaihan. At taga sukat ang mga kalalakihan. Huwag sanang maging ganito ang kalakaran.

4 comments:

  1. hanu ba naman to. kawawa naman kaming mga kababaihan. ginawa mong sapatos. hihihi. pero i have to agree with what you've written. sad that this is really happening. kahit ung ibang kababaihan naman gngawa din ito. :'(

    ReplyDelete
  2. to jnet: nangyayari to sa both gender. pero kung ako ang tatanungin, mas dehado o mas talo ang sapatos kesa sa taga suot.

    ReplyDelete
  3. pwede ring maging sapatos ang kalalakihan. :P

    ReplyDelete
  4. hmmm. cant relate. lalake kc ang sapatos eh. haha

    ReplyDelete