Tuesday, March 9, 2010

Ang hiling ng inay


sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.
kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan.

maramdamin ang isang matanda.
nagse-self pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.
kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng "binge!". paki-ulit na lang ang sinabi mo o pakisulat na lang.

pasensiya ka na anak.
matanda na talaga ako.
kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tumayo katulad ng pag-alalay ko saiyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad. pagpasensiyahan mo sa ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka.
basta pakinggan mo na lang ako.
huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsawaang pakinggan.

natatandaan mo pa ba anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo…
paulit-ulit mo yung sasabihin, maghapon kang mangungulit hanggang hindi mo nakukuha ang gusto mo. pinagtiyagaan ko ang kakulitan mo.

pagpasensiyhan mo na din sana ang aking amoy.
amoy matanda, amoy lupa.
huwag mo sana akong piliting maligo.
mahina na ang katawan ko.
madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan.
natatandaan mo noong bata ka pa? pinagtiyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

pagpasensiyahan mo sana kung madalas, ako’y masungit, dala na marahil ito ng katandaan.
pagtanda mo, maiintindihan mo rin.
kapag may konti kang panahon, magkuwentuhan naman tayo, kahit sandali lang.
inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa, walang kausap.
alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka intiresado sa mga kwento ko.

natatandaan mo anak, noong bata ka pa?
pinagtiyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.
at kapag dumating ang sandali na ako’y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.pagpasensiyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtiyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay.
tutal hindi na naman ako magtatagal.

kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.
at huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana…

dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama’t ina."



 I got this from a blog posted in a Social Network that I'm moderating. Touching indeed

Friday, January 15, 2010

January 15, 2010 Solar Eclipse

Nagulat ako noong nalaman ko na may magaganap na Solar Eclipse ngayong araw. Nalaman ko lang ito noong nasa opisina na ako kanina. Matagal na panahon na din mula noong huli akong nakasaksi ng ganitong bagay. Grade 3 yata ako noon kung tama pa ang pagkakaalala ko. Kung kaya't hindi na ako nagdalawang isip na mag half day na lang sa trabaho para masaksihan ko ang bihirang pangyayaring ito. Bitbit ang aking camera, nagpunta ako sa mataas na parte ng aming bahay at nagsimulang kumuha ng larawan ng nabanggit na Solar Eclipse.

Hindi ko maipaliwanag ang saya at excitement na naramdaman ko noong nakita ko na naguumpisa ng takpan ng anino ng buwan ang haring araw. Nakakapanindig balahibo.

Isang napakagandang simula ng taong 2010.  Sana ay good luck ang dala nito sa atin.


Ilan sa mga larawan (i-click para sa mas malaking sukat):




Tuesday, January 12, 2010

Babaeng sapatos


Ano ba talaga ang dahilan bakit nakikipag boyfriend o girlfriend ang tao? Kung magtatanong ka sa ordinaryong teen age partner, o sa mga matatawag nating mga taong nasa "marrying age" na kung sila ba ay magpapakasal na, baka ni sa gunita nila di pa nila naisip yun. Bakit nga ba kung gayon ay nagkakaroon ng boyfriend o girlfriend relationship?

Sabi ng iba "syempre kailangan yang boyfriend o girlfriend relationship, dahil dapat makiklala mo muna siya bago kayo magpakasal. Parang tulad ng sapatos, kailangang isukat mo muna bago mo bilhin." Ang lalaki ang nagsusukat, ang babae naman ang sapatos. Ang problema, naisukat mo na at lahat, napudpud na ng kung ilang buwan mong gamit ang sapatos at saka mo ibabalik sa sales person at sasabihing "ayoko nito palitan mo. Hindi kasya, maluwag. Hindi ko gusto ang hulma sa aking paa."

Nakakalungkot lang isipin na minsan, o madalas, nagiging sapatos ang mga kababaihan. At taga sukat ang mga kalalakihan. Huwag sanang maging ganito ang kalakaran.

Monday, January 4, 2010

How to take great photos



As far as the eye can see there are photographs waiting to be captured or to be created. Life swirls around us without stopping, but as a photographer, you can put a frame around moments in time. A lot more goes to taking a good photograph than just pushing a button, though.

Learn to use a camera, but most of all, learn to think like a photographer. Here are some valuable tips from expert photographer Neil Johnson to help you get started on your way.

Light
  • When lighting a subject, it is important to consider not only the direction of the light (front, side, back), but also the color of the background.
  • Light does not always have to fall on the front of your subject.
  • On-camera flash is most useful for subjects that are 10 to 15 feet away from you.










Composition
  • Making your subject the focus of attention does not mean that you have to put it in the middle of the frame. Placing the subject slightly off center can help lead the viewer into the subject.














Subjects
  • When taking pictures of a person, or an animal, focusing on their eyes then getting down to their eye level and moving close will improve your photographs.









  • When taking pictures of people, try to get them to forget about the camera and just go about doing what they enjoy.




















Quick Tips!
  • Don’t rush your pictures.
  • Take time and experiment.
  • Snap! Snap! Snap! Take as many pictures as you can.
  • Study them. Ask yourself why some work and others don’t.
  • Learn from mistakes, but most important, keep shooting.


Photo Terms:

SLR Camera: Single Lens Reflex Camera
DSLR Camera: Digital Single Lens Reflex Camera
Composition: The arrangement of everything in your picture – the subject, foreground, background, and surrounding elements.
Exposure: The amount of light coming into the camera and the length of time it strikes the film or the digital medium.
Lens: One or more pieces of glass of plastic designed to collect and focus light on a piece of film or digital medium.
Shutter: The device in a camera that opens to allow light to strike the film or digital medium.
ISO: The letters ISO on your digital camera settings refer to the film speed. ISO determines how sensitive the film or digital medium is to light.
Aperture: The aperture of a lens is the diameter of the lens opening. It regulates the amount of light that passes through onto the film or digital medium inside the camera.
Tripod: A three-legged stand for supporting a camera.





Thank you to: National Geographic Kids Almanac 2010 (Topic source Link)