Thursday, December 3, 2009

Superhero Engineer



Superhero Engineer
by: basti, 2003

Mahirap daw maging estudyante.
Lalo na pag Engineering na klase.
Dahil sa puyat sa mga plates, purga ka sa kape.
Sawa ka sa kakarinig ng "kaya mo yan pare".

First year to second year, medyo okay pa daw.
Third year to fourth year, humanda ng maging halimaw.
Pero pag fifth year di mo na alam ang gabi sa araw.
Mangangayayat, kahit pa ikaw ay matakaw

Kaya kailangan daw gayahin si Superman,
Liparin ang mga bagay na dapat makamtan.
O kaya naman ay tularan si Spiderman,
Isapot ang lahat ng dapat pag aralan.

Kung kulang pa, isama na si Batman,
Mag-aral sa bat cave, kung kinakailangan.
Yung iba nga pati si Darna ay pinatulan,
Nilulunok na ang libro, kapag nahihirapan.

Kaya nga mahirap pag Engineering ka.
Pero sulit naman pag naka graduate ka na.
Lalo na pag sa board exam nakapasa.
Engineer ka na, pucha! may pagka super hero ka pa



Nakita ko yung lecture notes ko sa Timber design nung college ako nung nag general cleaning kami sa bahay. Nakasulat itong tula (o kalokohan) na to sa likod ng notes ko na sinulat ko noong 2003, habang nagkaklase kami sa Timber design at habang nagtuturo si Ma'am Guevarra sa room 109 sa PUP-CEA.

Picture from here

No comments:

Post a Comment