Tuesday, March 9, 2010
Ang hiling ng inay
sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.
kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan.
maramdamin ang isang matanda.
nagse-self pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.
kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng "binge!". paki-ulit na lang ang sinabi mo o pakisulat na lang.
pasensiya ka na anak.
matanda na talaga ako.
kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tumayo katulad ng pag-alalay ko saiyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad. pagpasensiyahan mo sa ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka.
basta pakinggan mo na lang ako.
huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsawaang pakinggan.
natatandaan mo pa ba anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo…
paulit-ulit mo yung sasabihin, maghapon kang mangungulit hanggang hindi mo nakukuha ang gusto mo. pinagtiyagaan ko ang kakulitan mo.
pagpasensiyhan mo na din sana ang aking amoy.
amoy matanda, amoy lupa.
huwag mo sana akong piliting maligo.
mahina na ang katawan ko.
madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan.
natatandaan mo noong bata ka pa? pinagtiyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.
pagpasensiyahan mo sana kung madalas, ako’y masungit, dala na marahil ito ng katandaan.
pagtanda mo, maiintindihan mo rin.
kapag may konti kang panahon, magkuwentuhan naman tayo, kahit sandali lang.
inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa, walang kausap.
alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka intiresado sa mga kwento ko.
natatandaan mo anak, noong bata ka pa?
pinagtiyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.
at kapag dumating ang sandali na ako’y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.pagpasensiyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtiyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay.
tutal hindi na naman ako magtatagal.
kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.
at huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana…
dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama’t ina."
I got this from a blog posted in a Social Network that I'm moderating. Touching indeed
Subscribe to:
Posts (Atom)